Dahilan ng pagpatay sa kelot
Utang o Love Triangle?

“BANTAYAN MO ang asawa mo, baka wala nang malay ‘pag umuwi sa ‘yo”

“Sakit na lang ang ipapalit ko sa’yo”

Ito ang mga bahagi ng pagbabanta sa text na natanggap ng isang ginang i-

lang araw ang nakalipas bago barilin ng dalawang hindi pa nakilalang suspek ang kanyang asawa habang papasok sa trabaho kahapon ng ma-daling-araw sa Malabon City.

Dead on the spot si Jover Barruga, 34 ng Block 10, Magsaysay Extension, San Agustin ng nasabing lungsod sanhi ng dalawang  tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at mukha.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling-araw, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima papasok sa trabaho ilang metro ang layo sa kani-lang bahay nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyari na naglakad lang papalayo ang mga suspek.

Lumalabas na nakautang ang biktima sa isang ginang malapit sa pinagtatrabahuhan hanggang sa maging karelasyon ng una.

Inaalam na ng mga pulis ang tunay na motibo sa pagpatay sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.