Dahilan ng hiwalayan:third party, casino at domestic violence
Ai-Ai delas Alas, na-trauma sa asawa!

KINUMPIRMA SA amin ni Ai-Ai delas Alas na hiwalay na talaga sila ng kanyang asawa na si Jed Salang nang magkausap kami sa dressing room niya sa Araneta Coliseum last Friday night after her performane sa jampacked concert ni Vice Ganda. “Fifteen days na. Nu’ng May 2 pa,” pag-amin ng Comedy Queen.

Humagulgol pa ng iyak sa amin si Ai-Ai at yumakap nang mahigpit sa sakit ng pinagdaraanan niya ngayon. “Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama sa kanya bakit nagawa niya sa kin ‘to,” patuloy ng aktres habang walang tigil sa pag-iyak.

Tatlong bagay ang sinabi sa amin ni Ai-Ai na maaari sigurong naging hudyat ng pagkalas niya sa batang asawa: casino, third party at domestic violence.

Para sa buong tunay na istorya ng kanilang hiwalayan, inimbita kami ni Ai-Ai sa interview ni Tito Boy Abunda sa kanya para sa The Buzz na umere kahapon sa ABS-CBN.

Bago pa lang mag-umpisa ang panayam ng King of Talk kay Ai-Ai ay hindi na niya mapigilan pa ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Nag-away raw sila ni Jed nu’ng May 2 sa kanilang bahay na pagmamay-ari niya, kung saan daw sila nagkasakitan physically, dahil gusto raw ng asawa niya na i-celebrate nila ang kanilang monthsary sa isang hotel casino na ayaw naman niya.

Ayon kay Ai-Ai, wala naman daw kasi silang ibang gagawin sa hotel casino kundi ang maglaro ng casino na ayaw na niya, dahil nahihiya siya na nakikita ng mga tao na naglalaro.

Bukod sa pananakit daw ni Jed sa kanya ay natatakot din daw si Ai-Ai na nakikita niyang sinasaktan din ng una ang kanyang sarili.

Tanging rosaryo ang hinawakan niya at dasal daw ang kinapitan ni Ai-Ai nu’ng mga oras ng kanilang pag-aaway sa loob ng kanyang kuwarto hanggang sa lumipat at nagkulong siya sa kuwarto ng anak na si Sophia na kasalukuyang nasa Amerika.

Nu’ng araw ring yon ay umalis daw siya ng bahay niya at pumunta muna sa Tagaytay dahil sa labis na takot.

Inamin ni Ai-Ai sa interview ni Tito Boy na sumailaim siya sa psychotherapy na in-advise daw sa kanya ng stepfather ni Jed dahil sa mga pangyayari sa pagitan nilang mag-asawa, kahit bago pa siguro sila ikasal, dahil baka raw may mga unresolved problems in her past life or relationships.

Kuwento ni Ai-Ai, average naman daw ang kanyang results, ayon sa kanyang psychotherapist. Nagkakaroon nga lang daw siya ng depression.

Pero si Jed daw ay hindi nagpa-psychotherapist, dahil in denial daw ito na may problema silang mag-asawa.

Huli raw nagkita at nagkausap sina Ai-Ai at Jed nang surpresahin siya ng huli sa Salon de Manila kamakailan lang.

Nakiusap daw si Ai-Ai sa kanyang mga kaibigan sa salon na tulungan siya na paalisin na si Jed.

Hindi na raw kaya ni Ai-Ai na makita pa at makausap ang asawa. Takot daw talaga ang kanyang nadarama ‘pag nakikita niya si Jed at naaalala. Nanginginig daw talaga ang aktres, ayon sa kanyang malapit na kaibigan. “Traumatic talaga,” sambit ng komedyana.

Sa ngayon, may ilang security ang nakabantay kay Ai-Ai, kahit saan siya naroroon, gano’n din sa anak nitong si Sancho.

Napakasakit din kay Ai-Ai nang madiskubre niyang nagkikita pa rin diumano ang kanyang asawang si Jed at ang ex-girlfriend nito kung saan may anak ito rito.

May malalim pa raw na dahilan na nalaman si Ai-Ai kung bakit masakit para sa kanya ang pagkikipagkita ni Jed sa dati nitong nobya. May pinanghahawakan daw siyang ebidensya. Kaya lahat daw ng kutob niya at nakakarating sa kanya ay tama.

Hindi na rin nahiyang aminin sa amin ni Ai-Ai na dahil sa mga ginawa sa kanya ng asawa ay binawi niya mula rito ang iniregalo niyang sports car na Camaro na ilang milyon ang halaga. “Disente ang stepfather niya. Pinasauli naman,” sey ni Ai.

Sa ngayon, ipinapaasikaso na ni Ai-Ai sa kanyang mga abogado ang pag-file ng divorce ng kanilang kasal sa Amerika. Ikinasal sina Ai-Ai at Jed sa Las Vegas nu’ng last month, April.

Sa huli ay humingi ng tawad si Ai-Ai sa kanyang tatlong anak na sina Sancho, Soc at Sophia, at sa kanyang sarili dahil sa pagkakamaling kanyang pinasok. Nagpapasalamat din ang aktres sa mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya at rumerespeto.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

21 thoughts on “Dahilan ng hiwalayan:third party, casino at domestic violence
Ai-Ai delas Alas, na-trauma sa asawa!

  1. grabeh kayo mga putangina nyo. ganyan na nga nangyari sa tao masyado nyo pang kinakawawa. sana mangyari din yan sa mga kapatid nyo o pamilya. pag palagay na lang natin na walang pera pero satan sila ng lalake, ano mararamdaman nyo!! PUTANGINA NYO.

  2. Mukhang pera si jed.. Ito jed click mo baka sakaling magkapera ka nang di nanggagamit nang iba :p http://Cash4Visits.com/ref.php?refId=145002

  3. Ano ba yan,, bugbugan na agad ang drama ng lola mo. Kita naman sa tsurera ng lalaki d pahuhuli ng buhay! Eto kase lola nyo uhaw masyado kya yun pakasal agad..eh ngayon?..

  4. pareho lang kc cla ni tetay malibog….tignan mo nangyari….kita ko s mukha ng lalaki yun e …alam kng pera lang talaga ang habol sau….so di talaga ako nagkamali….poor ai-ai….sana mahalin mo na lang ang mga anak dahil cla lang talaga ang tunay na nagmamahal sau…get mo ai-ai….

  5. yung una palang nakita ko yung lalakeng yon duda na tlga ako..at sabi ko taas lang 2 buwan pagsasama nito..ayan nanga…bawiin mo yung sasakyan regalo mo ai kapal ng mukha lalakeng hayop nayan..

  6. dapat madala na si ai ai gayahin niya si kris na career na lang ang atupagin dahil hindi talaga sila swerte sa lovelife

    • Ano bang karir Ang atupagin? Hintay Ka Lang ng ilang linggo or month, aalipuntahan na naman ng libog yang babalina na yan at si kristulo. Sa libog ng dalawang yan Sa burat ng lalake…hahaha

  7. WELL, IT TAKES TWO TO TANGO. PAREHO SILANG MAY KASALANAN AT WAG NA RING IPILIT DAHIL KAHIT MAGKABALIKAN PA SILA, NAWALA NA ANG TRUST AT MERON NANG HISTORY NG PANANAKIT. DEVAH? AI-AI HAS PROVEN ONCE MORE THE PROVERBIAL, “WOMEN THINK WITH THEIR HEARTS, NOT WITH THEIR MINDS.” DEVAH, MISS BB. PILIPINAS-UNIVERSE. I FORGOT HER NAME. HAHAHAHA. WE ALL MAKE MISTAKES. WE JUST NEED TO LEARN FROM THEM. TOMOH?

  8. Madrama tong si Ai ai kabayo,, Yan aral na sa u yan . Hihilig nyo kasi sa mga batang bata. Hitsura mo eh peperahan ka lang ng Jed na yun, nagpabola ka kasi. Buti sa u yan. Di bale bibigyan ka raw ng award ng FAMAS na Best Dramatic Kabayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.