Dahilan daw ng break up… KC, may natuklasan kay Piolo?!

MULI NA NAMANG nabuhay ang usap-usapang break na raw sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Ilang blind items kasi ang nagsilabasan na diumano’y patungkol sa dalawa kabila na ang mga naging pahayag nina KC at Piolo noon na nagkausap na sila hinggil sa anumang pinagdadaanan ng kanilang relasyon. Nagulantang ang mga utaw sa paglipad ng Mega daughter papuntang Paris, France kamakailan at ano ang dahilan ng kanyang pag-alis ng bansa? Naikuwento naman ni KC na bukod sa gusto niyang balikan ang kanyang tinatawag na “comfort zone,” may ilang okasyon din daw siyang pupuntahan habang nasa Europe. Kailangan din daw niya ang oras para sa sarili niya. Kapansin-pansin din na biglang nahirapang sagutin ni KC ang mga tanong kung nagpaalam ba siya sa boyfriend niyang si Piolo Pascual. Ang tanging sagot lang ng aktres ay ‘Hindi ko alam’. Sabi naman ng mga mahadera eh, malamang trulili na may break up daw na naganap sa pagitan ng dalawa at ayon pa rin sa bulung-bulungan eh, may natuklasan daw si Mareng KC about kay Papa P? Hmm…ano naman kaya ‘yun? Gaano naman katotoo ang tsikang itey? Walang nakakaalam kaya deadma na lang kami, haha!

Photos by Mark Atienza, Ricky Agapito, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleGretchen, magpapaka-jologs para kay Cristine!
Next articleBubble Gang Babes!

No posts to display