Dahil welcome ang bansot, bading at tibo Nais maging kadete sa PMA, tumaas

ITINURING NA isang kasaysayan ang pagtatala ng pinakamaraming bilang ng mga examinee sa Philippine Military Academy (PMA) ngayong taon bunsod ng dagsang entrance examinations.

Ayon kay Armed Forces of the Philippine Chief of Staff Jessie Dellosa, nasa 20,000 applicants ang nagtungo sa mga PMA testing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa para kumuha ng pagsusulit.

Ito umano ang pinakamalaking bilang ng mga examiness simula nang maitatag ang akademya, may 114 taon na ang nakakaraan.

“We hope that with the significant headway in our modernization and capability upgrade programs, more will be motivated to joint the PMA,” ani Gen. Dellosa.

Una rito, inihayag ni Capt. Agnes Lynette Flores, public information officer ng PMA na ang mga aplikante ay kailangang natural born Filipino, single, nakapagtapos sa high school, physically fit, may disipilina sa sarili at kailangang hindi bababa sa 17-anyos at hindi naman lalampas sa 22-anyos bago ang Abril 1 sa taong kasalukuyan.

Dagdag pa ni Flores, walang magiging problema ang mga kabataan na hindi naman katangkaran ngunit nagnanais na pumasok sa naturang akademya sapagkat ibinaba nila sa 5’0” ang height requirement para sa mga babae o lalaki mula sa dating 5’4” sa mga lalaki at 5’2” sa mga babae.

Nilinaw rin ng opisyal na tinatanggap nila ang mga transgenders na nagnanais na pumasok sa PMA sapagkat naniniwala sila na hindi nakadepende sa kasarian at tangkad ng mga ito ang kanilang abilidad bilang kawal ng Pilipinas.

Aniya, nakasalalay sa talino, abilidad, kakayahan at magandang pag-uugali ng mga ito ang kanilang pagpipilian sa mga papasok sa nasabing akademya.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.