Dahil walang trabaho at may sakit
2 kelot nag-suicide

DALAWANG LALAKI ang halos magkasunod na nagpakamatay sa La Union at Zamboanga del Sur bunsod ng problema sa pinansiyal at sakit.

Naunang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril ang lasing na 25-anyos na binata sa Barangay San Benito Norte, Aringay, La Union.

Ang biktima ay na-kilalang si Alexander Berganio, residente ng nasabing lugar.

Sinabi ni Sr. Insp. Jody Calica, hepe ng pulisiya sa nasabing bayan, posibleng problema sa pinansiyal ang dahilan ng pagkitil ng biktima sa kanyang buhay dahil wala umano itong trabaho.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng 38 calibre na baril sa ulo, na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Dinala ito sa Caba Medicare and Community Hospital sa Caba, La Union ngunit idineklara ng attending physician na dead-on-arrival.

Samantala, bunsod ng tumitinding karamdaman, binaril ng isang magsasaka ang sarili gamit ang cal. 45 sa loob ng kanyang bahay sa Purok 6, Brgy. Dalapang, Labangan, Zamboanga del Sur.

Sa imbestigasyon ng Labangan Municipal police station, nasa loob ng kanyang silid ang biktimang si Salik Bacat Cadingilan, 30-anyos nang makarinig ng isang putok ng baril ang kanyang ina at kapatid.

Nabigla na lamang ang mga ito nang makita ang nakahandusay na katawan ng biktima na naliligo sa sariling dugo at na may tama ng bala sa ulo.

Napag-alaman ng pulisya mula sa mga kaanak ng biktima na dumadanas ito ng matinding pananakit ng ulo dahil sa pagkakasangkot nito sa isang aksidente sa kalsada noong nakaraang taon at kasalukuyang sumasailalim pa umano sa medical check-up.

(S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.