Dahil walang ka-Valentine
Kelot, umakyat sa cellsite

INABOT NG madaling-araw bago na-rescue ang isang lalaki na nagtangkang magpa-kamatay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cubay, Jaro, Iloilo City sa pamamagitan ng pag-akyat sa cellsite.

Si Raffy Coronado, 19, isang traysikad driver at residente ng naturang lugar ay umakyat sa cellsite na may taas na 40 metro bandang alas-11:00 kamakalawa ng gabi at ala-1:00 na kahapon ng madaling-araw nang ma-rescue.

Ayon sa kasamahan nitong traysikad driver, nagtampo si Coronado sa ina nito matapos na hindi siya bigyan ng P10 na pambayad sana sa utang.

Depressed din aniya si Coronado dahil walang ka-date sa nakaraang Valentine’s Day.

Samantala, umiiyak na nagmakaawa ang kanyang ina na bu-maba na siya kasabay ng pangakong hindi na siya pagagalitan.

Matapos ang mahigit dalawang oras, bumaba rin ang lalaki na nanginginig sa takot at sa lamig.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.