Dahil sa walang tigil na pagtaas ng krimen Hepe ng Ilocos Sur-PNP, sinibak

CANDON CITY – SINIBAK bilang Ilocos Sur PNP Provincial Director si Police Sr. Supt. Eduardo Angel Dopale dahil sa patuloy na pagtaas ng ‘crime rate’ sa naturang lalawigan na hindi malutas-lutas.

Nangunguna sa listahan ng mga krimen na hindi malutas-lutas ng Ilocos Sur Provincial Command na pinamumunuan ni Dopale ay mga krimen na gawa ng mga ‘riding in tandem’.

Bago naganap ang “sibakan blues”, isang meeting sa pagitan ni Singson, Dopale at ng mga chief of police ang ginawa sa Baluarte.

Sa naturang meeting, galit na galit na binalaan ni Singson ang mga naturang opisyal na kapag hindi nila agad nalutas ang mga krimeng nagaganap sa kanilang mga area of responsibility, ipasisibak sila sa puwesto at papalitan ng bagong opisyal.

Sa pagkakasibak ni Dopale, uupo bilang OIC ng Ilocos Sur PNP Provincial Command si Pol. Sr. Supt. Reynante Partible.

Ang naturang opisyal ang “first choice” ni Singson sa mga listahan ng pagpipilian dahil malaki ang tiwala ng Gobernador na kayang-kayang lutasin ni Partible ang kumakalat na kriminalidad sa naturang lalawigan.

Si Partible, tubong Paoay, Ilocos Norte ay na-ging Chief of Police ng Vigan City at sa kasalukuyan, siya ang regional head ng Police Civil Relations ng PNP Regional Command (Region I).  (ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.