Dahil sa utang na loob
Vote buying, nagtatagumpay

NANANAWAGAN SI Com- mission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes sa mga botante na huwag nang maging mabait at buwagin na ang kultura ng utang na loob sa mga kandidatong bumibili ng boto.

Ito ang sinabi ni Brillantes sa isang panayam, 22 araw bago ang halalan.

Ayaw kasi aniyang maniwala ng mga Pilipino sa kasabihan na tanggapin ang pera o suhol pero huwag iboto ang mga ito.

Katunayan aniya nito sa loob ng 25 taon sa serbisyo ay wala pang nakikitang napaparusahan sa ganitong ilegal na gawain.

May plano na aniya ang ma komisyoner ng Comelec na “i-minimize” hanggang 40-porsyento ang vote buying bagamat pinag-uusapan pa lamang aniya ito.

Nilinaw rin ni Brillantes na hindi pera-pera lang ang botohan.

Bukod sa posibilidad na hindi karapat-dapat ang mapili, pangamba ni Brillantes na “ang gagawin ng nanalo na namimili ng boto, mag-uumpisa pa lang makaupo ‘yan, mag-uumpisa nang bumawi ‘yan.”

Sa prosesong ito ng pagbili ng boto at paghalal kapalit ng suhol o lagay, wala nang katapusan aniya ito.

Nawawala na aniya ang silbi ng maboboto bilang public servant dahil sa halip na maglingkod, uunahin nito ang pagbawi sa mga nagastos niya.

Sa paikut-ikot na prosesong ito, nilinaw ni Brillantes na lahat may kasalanan.

Panawagan ni Brillantes sa mga botante, gamitin ang pagbili ng boto ng mga kandidato sa pagpili ng iboboto.

Samantala, paniwala ni Brillantes na mataas ang tsansa na mas matino ang kalabang kandidato na hindi namimili ng boto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.