Dahil sa utang na kalahating milyon: Gabby Concepcion, umiiwas kay Snooky Serna? – Tita Swarding

OLA CHIKKA! NAGKA-TEXT-AN kami ng isa kong malapit na kaibigan. Kumustahan, hanggang sa naisingit namin sa topic ang dating child actress na si Snooky Serna, na kamakailan lang ay pumanaw ang ina nitong si Mila Ocampo.

Malaking pighati ang pinagdaraan ng puso ngayon ni Kooky, lalo na’t napakalapit nito sa ina. Sabi nga ng kaibigan ko, nagkapalitan daw sila ng mensahe ng magaling na aktres, kung saan inilabas nito ang sama ng loob sa aktor na si Gabby Concepcion.

Matagal na raw gusto ni Snooky na makita nang harapan ang aktor ngunit wala itong time. Kaya ang ginawa ni Snooky ay nagmensahe ito sa aktor sa kanyang Facebook account, kung saan sinisingil niya si Gabby sa utang nito na humigit kumulang sa kalahating milyong piso.

Ngunit ayon pa raw kay Snooky, hndi raw siya pinapansin ng aktor at iniiwasan siya nito. Dagdag pa ng aking kaibigan na napilitang magmura sa kanyang Facedbook, kung saan sinisingil ang aktor dahil matagal na raw hindi nababayaran ang kanyang utang. Kung tutuusin, malaki na ito kung may interes.

Kahit pa raw sa telepono nito na tinatawagan ni Kooky, hindi na rin sinasagot ang mga tawag ng actress. Tila iniiwasan nga raw siya ng magaling na aktor dahil sa utang nito sa kanya. Ni konting paliwanag ay wala raw ang aktor.

Mula nang makuha ni Gabby ang pera, hindi na raw ito nagpapakita sa beteranang aktres. Nakakaloka, huh!

Pilit kong tinatawagan si Gabby tungkol sa isyung ito, pero nag-iba na yata ng number ang magaling at guwapong aktor. Ano naman kaya ang masasabi Gabby sa isyung ipinupukol sa kanya ni Snook? Naku, ha?! ‘Yun na!

PATOK NA PATOK sa Quezon City ang tambalang Aiko Melendez at Mike Defensor, lalo na sa 2nd district ng lungsod.

Bukod sa iniidolo ang magaling na actress, may napatunayan ito sa loob ng kanyang panunungkulan bilang konsehala ng QC.

Dahil ayon sa aking parazzi girl, wala naman daw – daw lang, ha? – nagawa ang kanilang kalaban. Hmmm… kalerke, ha?!

Ayon naman sa actress, marami raw siyang gustong gawin upang makatulong sa mga kababayan. Kaya ipagpapatuloy niya ito ‘pag nanalo ang actress bilang bise ni Mike Defensor.

Bongga talaga ang twin sister kong si Aiko, dahil hindi rin niya nakalimutan ang mundo kung saan siya nanggaling. Kasama kasi plano niya ang industriya ng showbiz. Ay, bonggacious, ha?! Marami ang matutulungan, lalo na ang mga maliliit na gumagalaw sa industriya. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Dahil sa utang na kalahating milyon: Gabby Concepcion, umiiwas kay Snooky Serna? – Tita Swarding

Leave a Reply

Your email address will not be published.