Dahil sa tsismis Mag-anak, minasaker

TATLONG MIYEMBRO ng pamilya ang nasawi habang kritikal ang isa pa matapos pasukin at pagbabarilin ng dating kaalitang kapit-bahay sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Agad na nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Florencio Torres; asawang si Milagros; at anak na si Marjorie, pawang ng Phase 7, Bagong Silang ng lungsod.

Ginagamot naman sa hindi na binanggit na pagamutan si Jonalyn Torres, 13 ng nasabing lugar.

Kinilala naman ni Sr. Supt. Jude Wilson Santos, Caloocan chief of police, ang suspek na si Charlie Balboa, nasa hustong gulang, at dating kapit-bahay ng mga biktima, na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat, dakong alas-6 ng u-maga nang pasukin at pagbabarilin ang mga biktima ng suspek sa tahanan ng mga Torres.

Ayon sa isang Jonalyn, da-ting may alitan ang pamilya Torres at ang suspek dahil umano sa pagkakalat ng tsismis na ang huli ang pinuno sa mga iligal na koneksiyon ng kuryente sa kanilang lugar.

Isang manhunt operation na rin ang isinasagawa ng pamunuan ni Santos para sa mabilisang pagkadarakip kay Balboa.       (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.