Dahil sa tindi ng selos Mag-iina, inatado ng padre de pamilya

LASLAS ANG leeg habang halos magkalasug-lasog ang katawan ng dalawang paslit kabilang ang isang taong gulang at ng kanilang ina makaraang pagtatagain ng padre de pamilya na nagpakamatay rin sa loob ng kanilang bahay sa Tanauan City, Batangas.

Ayon kay PNP Provincial Director Sr. Supt. Rusauro Acio, ang apat na biktima ay sina Feleciano Gomez 25-anyos, kinakasamang si Sherry Anne Mendoza at dalawang anak na sina Angelyn Gomez, 3 taong gulang at Angelica, isang taong gulang.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng PNP na dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa nang makita ng kanyang mga kapit-bahay na umuwi ang biktimang si Feleciano sa kanilang bahay sa bahagi ng Brgy. Janopol Oriental.

Subalit ilang oras lamang ang nakalipas nang makari-nig ang mga ito ng mga sigaw at nang puntahan ang bahay ng mga biktima ay dito na nakita ang karumal-dumal na krimen.

“Babalik ang investigator sa crime scene, ‘di kasi malinaw sa ngayon kung ito bang ama na si Feleciano ang suspek o may iba pa,” ang pahayag ni Acio.

Dalawang anggulo ang tinitingnan ngayon ng mga awtoridad, una ang posibilidad na mismong si Feleciano ang suspek kung saan inuna nitong tagain ang kanyang kinakasama bago isinunod  ang mga anak na sina Angelyn at Angelica saka naglaslas ng kanyang leeg.

Dagdag pa ni Acio na kanila ring tinitingnan kung may iba pang responsable sa karumal-dumal na krimen.

Ganon din ang posibilidad na na mayroong nadatnang lalaki si Feleciano nang umuwi ito sa kanilang bahay na siyang suspek sa krimen.

Sinasabi naman ni Supt. Jeremias Aglucu, hepe ng Tanuan City Police na posibleng matinding selos ang pinag-ugatan ng ng galit ng suspek at nang magdilim ang paningin nito ay walang kunsensiyang kinarit ang kanyang mag-iina, saka kinarit ang sarili na naging sanhi ng kamatayan ng buong mag-anak.                  (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.