Dahil sa textmate ng kapatid Dalagita, muntik magahasa

ILOILO CITY – ISANG menor de edad na babae ang muntik nang magahasa sa Lambunao, Iloilo. Ang 17-anyos na biktima ay sumama sa 29-anyos na kapatid nito nang makipagkita sa kanyang textmate.

Ayon sa ‘di nagpakilalang biktima, nang sila ay dumating sa lugar, nagkaroon ng inuman at nang natutulog na sila ay doon na nangyari ang tangkang panggagahasa sa kanya.

Ikinagulat na lamang umano niya nang maramdamang may nanghihipo na sa kanya at bigla na lang umano siyang dinaganan.

Nakatakas ang biktima ngunit naiwan naman ang kapatid nito matapos maghiwalay sila ng landas.

Batay pa rin sa alegasyon ng dalagita, hinabol umano sila matapos hindi pumayag na makipagtalik sa tiyuhin ng textmate ng kanyang kapatid kapalit ng P500.

Kasalukuyang pinaghahanap naman ngayon ang kapatid na nawawala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.