Dahil sa text message Misis, minartilyo ni mister

OBANDO, BULACAN – KASALUKUYANG nilalapatan ng lunas sa Bulacan Medical Center ang isang misis matapos mabutas ang bumbunan, at magkaroon ng bali sa magkabilang balikat nang hatawin ng martilyo ng kanyang asawa matapos sitahin ito dahil sa malalambing na mensahe mula sa isang texter ng kanyang mister.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Lorenz Paynor kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang biktimang si Pia Llagas, 25 anyos, residente ng San Lorenzo St., Brgy. Panghulo sa nabanggit na bayan, habang pinaghahanap na ang tumakas na suspek na si Ronald Llagas, 29 anyos, isang karpintero, tubong-Libon, Albay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Jocelyn Soliman, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente ng pananakit sa biktima sa Brgy. Paliwas.

Nabatid na nasa kasarapan ng tulog si Mister nang gisingin umano ito ni Misis, kung saan pilit na tinatanong  kung sino ang nagpadala ng malalam-bing na mensahe na labis nitong ikinagalit sa hinalang may ibang babae si Mister.

Dahil sa pangungulit ni Misis, dito na umusbong ang mainitang pagtatalo dahilan upang paghahatawin ng improvise na martilyo ang kanyang may-bahay,kung saan hindi pa nasiyahan si Mister, ikinulong at kinandado sa kuwarto ng kani-lang tahanan.

Nadiskubre lamang ang nakulong na misis nang humingi ito ng tulong sa kanilang kapit-bahay, na agad namang nirespondehan ng mga barangay tanod.

Samantala, agad namang naglunsad ng hot pursuit operation ang mga awtoridad laban sa suspek na sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violation Against Women Act.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.