Dahil sa tensyon sa Sabah
Malaysian Embassy, Nilusob ng mga Militante

NILUSOB NG iba’t ibang grupo ng militante ang Malaysian Embassy sa Makati City para kundenahin ang patuloy na pag-angkin nito sa Sabah.

Kabilang sa mahigit 100 raliyistang nagprograma sa harap ng embahada ang mga Christian-Muslims at mga katutubo.

Hiling ng mga ito na ihinto na ang pag-atake sa Sulu Royal Army ni Raja Muda Agbimuddin Kiram sa Lahad Datu, dahil pagmamay-ari pa rin ng Pilipinas ang Sabah.

Binatikos din nga mga raliyista si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, dahil sa pangangapa anila sa krisis na ikinasawi ng halos 30 Pinoy at Malaysians.

Nagsunog pa sila ng larawan nina Pangulong Aquino at Prime Minister Najib Razak sa harap ng tanggapan.

50 Pulis-Makati naman ang nagbigay-seguridad sa naturang lugar. Kinaila-ngang isara ang embahada at itigil ang transaksyon dahil sa protesta.

Samantala, makaraan ang isa’t kalahating oras, mapayapang binuwag ng mga ralisyista ang kanilang hanay.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.