Dahil sa talamak na droga‘Pinas, magagaya sa Colombia

POSIBLENG MAGAYA SA Colombia ang Pilipinas kung hindi pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang kampanya laban sa droga.

Ito ang babala ni Dante Jimenez, founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga gumagamit at nagbebenta ng bawal na gamot sa bansa at ang hindi masugpong mga sindikato ng droga.

Iginiit ni Jimenez na kailangan ng pamahalaan ng karagdagang pagsisikap upang magtagumpay ang kampanya laban sa droga upang tuluyan itong masugpo.

“Yes we are near to become Colombia, they (drug syndicates) were able to get some judges and justices, law enforcers, lawma-kers and others, the only one left is the President,” saad ni Jimenez.

Ipinaliwanag nito na ang kawalan ng suporta ng pamahalaan partikular sa pagbibigay ng operational funds sa concerned agencies ay isa sa dahilan ng kabiguan ng kampanya laban sa droga.

Binigyang-diin ni Jimenez na ang pagbitay sa tatlong drug mules sa China kamakailan ay patunay na ang Pilipinas ay hindi lamang source ng iligal na droga kundi nagsisilbing courier na rin nito na nire-recruit ng mga dayuhang sindikato.

Sinabi ni Jimenez na nagawa na ring maimpluwensiyahan ng mga sindikato ang ilang mambabatas at mga miyembro ng law enforcement agencies kasama na ang judiciary kaya’t madali para sa kanila ang makapagsagawa ng operasyon.

Batay sa tala, pababa ang trend ng anti-narcotics campaign sa nakalipas na pitong taon mula 2003 hanggang 2010.

Umabot sa 22,000 anti-drug operations ang isinagawa ng mga awtoridad noong 2003 habang nasa 5,325 lamang noong 2010. Nasakote noong 2003 ang 33,401 drug pushers at users habang 7,879 noong 2010.

Umabot naman sa 195 na drug syndicates ang nabuwag noong 2003 habang 28 lamang noong 2010.

Lumitaw din sa tala na 6,000 pulis lamang ang ipinakalat para sa anti-drug operations sa buong bansa.

Iginiit ng VACC na araw-araw ay milyong halaga ng shabu, heroin at marijuana ang i-binebenta sa Pilipinas at patuloy ang tagumpay ng mga sindikato sa kanilang operasyon.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dahil sa talamak na droga‘Pinas, magagaya sa Colombia

  1. pati presidente ng pinas mukhang sabog sa droga, panay lang paganda points, puro ngawa, kulang sa gawa. paano masusugpo ang problema sa droga ng pinas nyan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.