Dahil sa talamak na bold shows KASO NG HIV/AIDS DADAMI SA QC

KINATATAKUTANG LALO PANG dumami ang nakakamatay na sakit HIV/AIDS sa bansa dahil sa walang humpay na pagpapalabas ng mga malalaswang panoorin sa Lungsod Quezon.

Batay sa pagsasaliksik ng Pinoy Parazzi investigative team, talamak ang mga bold shows sa mga beerhouse at club sa nasabing lungsod.

Napag-alaman na simula sa malalaking club tulad ng Mystique, Lexus, Pegasus at maraming iba pa ay may mga babaeng nagsasayaw nang hubo’t hubad.

Nabatid din na maging ang maliliit na mga beerhouse sa lungsod ay nagpapalabas din ng malalaswang panoorin.

Kabilang dito, ang mga beerhouse na Georgetown, Rainbow at Metro Rock na pag-aari ni George Bueno.

Halos lahat din ng mga beerhouse sa Novaliches ay may mga nagsasayaw na babaeng hubo’t hubad, kabilang dito ang Paradise na matatagpuan sa may Quirino Hi-way, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Maging ang mga club na pag-aari ng pangulo ng samahan ng mga disco club at beerhouses (AKDO) na si Tepang ay may mga babaeng nagsasayaw nang hubo’t hubad.

Kabilang sa pag-aari ni Tepang na club ay ang Hawaii Five-0 na matatagpuan sa may Cubao erya ng nasabi ring lungsod.

Lahat ng mga club at beerhouse ay pawang may mga VIP room, kung saan dito ginagawa ang kalaswaan sa pagitan ng babae at lala-king kanilang parukyano.

Ang VIP room ay ipinagbabawal sa batas ng Lungsod Quezon dahil sa posibilidad na may nangyayaring kalaswaan sa pagitan ng babae at lalaki.

Kaugnay nito, kinondena ng mga moralista at mga magulang ang naturang mga funhouses at beerhouses na may malalaswang palabas.

Matatandaan na kamakailan ay lumabas sa pag-aaral na mahigit isang milyon na ang apektado ng sakit na HIV-AIDS, hindi pa kasama sa mga ito ang hindi pa nagpapatingin sa doktor.

Kadalasan din ang mga apektado ng naturang sakit ay ang nagtatrabaho bilang mga sex worker, kung saan ay nakikipagtalik ang mga ito sa iba’t ibang partner.

Nabatid din na marami sa mga manggagawa ng mga beerhouse at club ay pawang mga menor de edad.

Dahil dito, kinondena ng mga moralista si Quezon City Police Dist. Dir. Mantele dahil sa kawalan ng aksyon nito laban sa nasabing mga bastos na panoorin. (PARAZZI INVESTIGATIVE TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Dahil sa talamak na bold shows KASO NG HIV/AIDS DADAMI SA QC

  1. Anong katarantaduhan tong mga pinagsasabi nyo? Paparazzi kayo na ang hanapbuhay ay ang mamboso tapos tatawagin nyong malaswa ang magpalabas ng mga babaing nakahubad? So tingin nyo ang sagot sa AIDS ay ang pagbabawal ng bold shows? SIno ba ang head writer nyo at mukhang di nakatungtong sa college? Sobrang subjective at kulang sa research ang “article” na ito. Pwe!

Leave a Reply

Your email address will not be published.