Dahil sa sunud-sunod na project
Enchong Dee, kapuna-punang bagong paborito ng Dos

MATA LANG daw niya ang mangungusap. Hindi makapaniwala si Enchong Dee sa sunud-sunod na suwerte na dumarating sa career niya. Kumbaga, unbelievable! Blank stare lang ang tugon niya na parang titig ni Nora Aunor.

Komikero din pala si Enchong. Noong una, ipinagtanong pa nga namin sa iba kung bakit parang nagbe-“baby talk” siya na sa edad niya para alanganin sa pakiwari namin.

Ganu’n nga lang siguro siya, natural. Playful tulad ng kuwento ng director niya sa box-office movie na Four Sisters and a Wedding kung saan nagpamalas siya ng galling sa pag-arte.

Sa Ina, Anak, Kapatid na katatapos lang, nagpamalas si Enchong ng galing bilang aktor. Hindi lang siya boy next door na pa-cute kundi marunong ding makipagsabayan sa pag-arte sa mga kasamahang artista.

Sa magandang pasok ng taong 2013 sa karir niya, siya ang bagong Kapamilya’s Favorite. Kumbaga, siya ang lagi-laging napipili sa dinami-rami nila sa Star Magic. From television to films, sunud-sunod ang ratsada.

Ang katatapos na huling teleserye niya kasama sina Maja Salvador, Kim Chiu at Xian Lim ay sinundan naman ng isang mabigat pa ring project.

Sabi ng mga taga-ABS-CBN, biggest television drama for 2013 ang Muling Buksan ang Puso.

Bukod kay Enchong, bagong love triangle ang pagkasama nila nina Julia Montes at Enrique Gil aside from big cast sa tele-serye. Mantakin mo, all-star cast like Susan Roces, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Agot Isidro at Cherie Gil. Kasama rin sina Daniel Fernando, Dominic Ochoa at Jestoni Alarcon.

“I’m blessed,” wika na Enchong. Hindi raw kasi sa lahat ng pagkakataon ay dumarating ang ganu’ng mga pagkakataon.

Katatapos lang ng IKA na isa sa mga top-rater ng Kapamilya Network, heto na muli si Enchong sa bagong teleserye na sa trailer pa lang, p’wede nang gawing pelikula.

Sa Lunes, July 8, ang simula ng panibagong obra nina Nuel Naval and Cinemalaya’s award-winning director na si Manny Palo.

Katatapos din lang humakot sa takilya ng Four Sisters and a Wedding pero may kasunod naman itong Tuhog, kung saan isang “virginal” na Enchong ang mapapanood ng publiko.

Sa katunayan, ang karakter ni Enchong sa Skylight Film’s is a bit naughty. Siya ang binata na may long-distance love affair sa kanyang girlfriend sa katauhan ni Empress.

Dahil new and first love, paniwala ni Enchong, gusto niya “virgin” ang pagkalalaki niya kung sakaling dumating ang panahon na magkakaroon na ng chance na magkaniig sila ng girldfriend.

Kuwento nga niya nang pabulong sa amin, mayroong “masturbation” scene siya sa pelikulang Tuhog, kung saan makakasama niya sina Eugene Domingo, Leo Martinez at Jake Cuenca. Sa direksyon ni Veronica Velasco na nag-direk na rin sa kanila ni Erich Gonzaga.

“Medyo sexy pero, wala…” nanginiting kuwento niya sa amin. Medyo nahihiya pa si Enchong i-detalye ang “masturbation” scene niya kaya better watch na lang ang mga fans niya.

 

KALOKA SINA Melissa Mendez at Alma Concepcion. Ang tatanda na nila (malapit-lapit na sa singkuwenta), mag-aaway sa Instagram dahil sa isyung “Sin” na inaakusa ni Melissa kay Alma dahil dinagdagan at dinaya diumano nito ang nag-like sa online business nitong huli.

Ewan ko kung anong banal-banalan ang pumasok sa utak ni Melissa para pakialaman ang buhay ng may buhay, raket ng may raket.

Siguro, imbis kabanalan ang pumasok sa kanyang utak, ihip ng demonyo ang laman na bumubulong na ang “inggit” is a big, big sin!”.

Tama na Melissa, ang daming dapat pagkaabalahan.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

26 thoughts on “Dahil sa sunud-sunod na project
Enchong Dee, kapuna-punang bagong paborito ng Dos

  1. ano ba meron sa baklang miss dee na yan at siya favorite, halata naman bakla na nagpapakatrying hard magpakalalake

      • HAHAHAHA. DI KO MA-IMAGINE NA GURL NA GURL SYA SA BACKSTAGE HABANG INAAYUSAN AT MINI-MAKEUP-AN. PERO PAGLABAS SA STAGE, PA-LALAKI EPEK AT NAKA-UNDERWEAR PA. PARANG KADIRI YATA. HAHAHAHA

  2. hay nakuy yung mga nagko-comment na negative kay enchong eh mga bitter lang kayo…mga inggiterot inggitera…

  3. AHAHA! oo nga. panong di magiging paborito yan e may gumagamit sakanya. laspagan lng nmn dyan sa showbiz e. gamitan lng. parausan ng mga baklang matataas ang pusisyon sa showbiz

  4. Panong di magiging paborito yang tsekwa na yan ng Dos kasi sya ang bagong kinakama ng anak ni Lopez na Beki.

Leave a Reply

Your email address will not be published.