Dahil sa sobrang lamig Benguet Mummies, Pinangangambahang Mabulok

LA TRINIDAD, BENGUET – Patuloy na nangangamba ang maraming mamamayan sa bayan ng Kabayan dahil sa walang tigil na pagbaba ng temperatura. Ito ay matapos na madiskubreng hindi lamang ang mga pananim nilang gulay ang naapektuhan sa ngayon ng napakatinding lamig na nararanasan sa lalawigan, kundi pati na rin ang mga nakahimlay na mummies dito.

Sa interview ng mga miyembro ng print and broadcast media kay Municipal Tourism action officer Berry Sangao, Jr., inamin niyang may mga ulat silang natatanggap na nagsasabing nagsisimulang magkaroon ng molds at mga mildews ang mga nakatagong mummy sa mga kuweba sa kanilang mgalugar at nangangamba silang maging sanhi ito ng pagkabulok ng mga mummy.

Sinabi naman ni Ike Picpican, isang museum curator sa Saint Louis University, na isang normal na phenomenon lamang sa mga mummy ang mga nakikitang molds, mildews, at iba pang environmental factors.

“The mummies survived for hundreds of years and have been preserved to what they are today. They could have experienced all sorts of weather from the coldest to warmest. Normal lamang ito para sa mga mummy,” ayon kay Picpican.

Gayunman, para makatiyak, napagkaisahan ng mga opisyal ng naturang bayan na humingi ng tulong sa mga eksperto, kasama na rito ang mga National Museum anthropologists, para tingnan at alamin kung ang mga nakikitang mga bagay na tumutubo sa katawan ng mga mummy na dulot ng sobrang lamig ay hindi senyales ng unti-unting pagkabulok nito.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.