Dahil sa sobrang hiya Binatang namboso, nagpakamatay

SOBRANG HIYA UMANO ang nag-udyok sa isang binata para magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanyang silid sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Marlon Aribado, 31, walang asawa at residente ng # 17 Katipunan St., Bagong Barrio, ng nasabing lungsod .

Base sa isinagawang im-bestigasyon ni Allan Budios may hawak ng kaso, bandang alas 5:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid-tulugan.

Ang biktima ay nakitang may nakataling electrical cord at ang dulo nito ay nakatali sa biga ng kanilang bahay.

Nabatid na bago umano maganap ang naturang insidente, ang biktima ay nahuli ng kanyang hipag na babae na si Janice na sinisilipan siya habang naliligo sa kanilang banyo.

Dahil dito, ang babae ay nagsumbong sa kanyang biyenan na babae dahilan upang kumprontahin ng kanyang ina ang lalaki, at sa sobrang pagkahiya ay dali-daling pumasok sa kanyang silid hanggang sa makita na lamang na isa na itong malamig na bangkay.                (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.