Dahil sa selos: Nurse, pinadalhan ng bala ni Doc

PINADALHAN UMANO ng bala ng baril ng isang doktor ng Pangasinan Provincial Hospital ang pinagseselosan nitong nurse na nobyo ng babaeng natitipuhan nito sa San Carlos City, Pangasinan.

Sinabi ni Atty. Geraldine Baniqued provincial legal officer ng lalawigan na nakapagbigay na ng kanyang statement ang nurse na itinago sa pangalang “Junjun” upang kanilang magamit na basehan sa pagsisiyasat na isinasagawa laban sa ‘di na pinangalanang doktor sa naturang ospital.

Sa kabila nito sinabi ni Baniqued na dadaan sa masusing pagsisiyasat ang insidente.

Magkakaroon aniya sila ng preliminary investigation upang malaman kung may katotohanan  sa nasabing reklamo laban sa manggagamot.

Napag-alaman din na hindi na nakapagtatrabaho nang maayos ang naturang nurse dahil sa natanggap na banta sa kanyang buhay.

Samantala, maging ang pedia nurse na inutusan nitong magdala ng bala sa karibal ay natakot din sa ginawang utos sa kanya ng nasabing doktor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.