Dahil sa Selos: Mister, Nagbigti Matapos Patayin si Misis

“PATAWARIN N’YO ako at nagdilim ang aking paningin.”

Ito ang nakasulat  sa suicide letter ng isang 53anyos na lalaki na nagbigti matapos nitong  patayin sa saksak ang kanyang live-in partner sa Bgy. Tanawan, Bustos, Bulacan .

Base sa ulat na isinumite ni Chief Insp. Arwin Tadeo, hepe ng Bustos Police, kay PNP Provincial Director Sr. Supt. Joel  Orduña, kinilala ang mga biktima na sina Josefino Bajamundi at ang live-in nito na si Rosemarie Nunez, 36 anyos, pawang residente ng 134-A, Bgy. Tanawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan si Josefino na nagbigiti gamit ang nylon cord sa loob ng bahay habang ang babae ay natagpuang walang nang buhay sa kusina na tadtad na saksak ang buong katawan.

Sa impormasyon na nakalap ng “Pinoy Parrazi” nagselos umano si Josefino sa kanyang live-in partner sa pag-aakalang may lalaki ito.

Samantala patuloy imbestigasyon upang matukoy ang tunay na motibo sa insidente.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.