Dahil sa selos
Mister, Kinatay ng Misis Habang Natutulog

IDINULOG NG mga kinauukulan sa bayan ng Rosario, lalawigan ng Agusan del Sur sa Rosario Municipal Social Welfare & Development ang kasong pagpaslang ng isang ginang sa kanyang sariling asawa dahil lang sa selos.

Patay on the spot ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng kanyang misis habang natutulog sa kanilang bahay sa Purok 1-A, Brgy. Bayugan 3, Rosario, dakong ala-1:40 ng madaling-araw.

Kinilala naman ng Rosario Municipal Police Station ang nasabing  biktima na si Felipe Son, 45, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sinabi ng kanilang kanilang anak na si Alfie Mae na bago ang insidente ay nakita pa niya ang kanyang umuwing ama na umiiyak matapos akusahan ng kanyang inang si Alma Son, 43, na may ibang babae.

Binalewala lamang umano ng anak ang reklamo ng ama sa rasong may problema sa pag-iisip ang ina.

Habang nagbabasa ng pocket book sa kanyang silid ay may narinig ang dalaga na kakaibang ingay sa loob ng silid ng kanyang mga magulang hanggang sa nalaman na nito ang ginawang krimen ng ina.

Samantala, ipinagbi-gay-alam kaagad niya ito kay Barangay chairman Reynaldo Cuyos na siyang tumawag naman sa mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.