Dahil sa selos? Magsyotang Magpapakasal, Tinodas sa Ambus

HINDI NA magagawang tanggapin pa ng magsyo-ta ang inaasam na basbas mula sa simbahan para gawin sanang legal ang kanilang pagsasama matapos na sila’y pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang mga kalalakihan kamakalawa sa Brgy. Barong Barong, Dingras, Ilocos Norte.

Naligo sa sariling dugo dahil sa mga tama ng bala ang magkasintahang sina Denver Edica ng Labut, Badoc, Ilocos Norte at Apple Sacramento ng Barangay Elizabeth, Dingras sa nasabing lalawigan.

Nabatid na papauwi na sana ang dalawa na lulan ng motorsiklo para paghandaan ang kanilang kasal sa Enero 2012 nang harangin at ratratin ng mga hindi nakilalang salarin.

Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima, ang magkasintahan ay may isang taon na ring nagsasama at gusto na nilang magpakasal para gawing pormal ang pagsasama, pero hindi na matutuloy ang nakatakda sanang pagtanggap nila ng basbas mula sa simbahan matapos na walang awa silang pinagpapatay ng mga salarin.

Selos ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng pulisya sa naganap na krimen.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.