Dahil sa selos Magkasintahan, Tinaga

NANG DAHIL lang u-mano sa matinding selos, pinagtataga ng ilang kalalakihan ang magkasintahan sa may Barangay San Roque sa lungsod ng Zamboanga.

Lumalabas sa pagsissiyasat, nakasakay sa motorsiklo ang mga biktima na nakilalang sina Kenneth Unda, 17-anyos at ang nobya nitong si Candy De Leon, 19-anyos, nang harangin sila ng mga salarin at ilan sa kanila ang bigla na lamang pinagtataga ang dalawang biktima.

Nagtamo ng mga su-gat sa iba’t ibang parte ng katawan ang magkasintahan at masuwerte na lamang umano na naka-takbo pa ang mga ito at nakahingi ng tulong sa mga residente.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang isa sa mga suspek na nakilalang si Jerry Rebollos na napag-alamang dating nobyo ng dalagang biktima at siyang mastermind sa nangyaring insidente.

Nadala umano sa matinding selos ang nahuling suspek kaya nagawa nito ang naturang krimen.    Kasalukuyang naka-confine sa pagamutan ang mga biktima at malayo na rin sa kapa-

hamakan ang mga ito.

Samantala, pinaghahanap pa rin ng mga kinauukulan ang iba pang mga kasamahan ng nahuling suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.