DAHIL SA SELOS: JC SANTOS, HIWALAY NA SA GIRLFRIEND?

JC SANTOS

SAYANG NAMAN na nauwi sa “ hiwalayan” ang relasyon ni JC Santos at sa karelasyon niya na theater actress na si Teetin Villanueva na balita nga namin ay nagsimula noong nasa college pa sila sa UP Diliman.

Matagal na magkarelasyon si JC at ang girlfriend niya. Bago pa naman naging JC Santos ng showbiz si JC.

Hindi man diretsahan ang pag-amin ng binata tungkol sa split-up, inamin niya na may problema during the presscon of Mr & Miss Cruz. Parang ganun na rin ang pahayag ni JC sa media.

Nang tanungin tungkol sa problema nila, ayaw ni JC magdetalye.

Are they still on or sila pa rin ba? ”That, I can’t answer that,” sagot ni JC.

Teetin Villanueva

Dahil hindi pa showbiz na showbiz ang aktor, hindi niya alam kung ano ang itutugon niya sa mga inuurirat ng press people last night sa grand presscon ng pelikula nila ni Ryza Cenon na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo of the blockbuster movie Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Siguro naman, hindi si Ryza ang dahilan lalo pa’t very passionate daw ang love scenes ng magkapareha sa “hugot” film na ito ng dalawa na kinunan pa sa napakagandang Palawan.

Kung nagustuhan ng mga manonood ang Kita Kita at 100 Tula para kay Stella, malamang magiging super like din itong bagong pelikula ni JC na produced ng Viva Films at Idea First Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.

             

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “DAHIL SA SELOS: JC SANTOS, HIWALAY NA SA GIRLFRIEND?

Leave a Reply

Your email address will not be published.