Dahil sa selos, Binata, Grinipuhan sa Sayawan

PATAY NA nang dumating sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang isang 18-anyos na binata matapos itong saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek dahil sa selos.

Base sa ulat ng mga awtoridad, nasa isang sayawan ang biktima na kinilalang si Ernesto Enocando, Jr., residente ng Barangay Capiz, Alang-Alang, Leyte at may nakausap na babae at pagkaalis ng babae, bigla namang sumulpot ang isang lalaki na agad sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng dibdib gamit ang isang kutsilyo.

Hinabol pa ng mga kasama ni Enocando ang suspek ngunit hindi na inabutan dahil itinakbo muna sa pagamutan ang biktima.

Samantala, patuloy pang pinaghahanap ng mga kinauukulan ang nasabing salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.