Dahil sa selos at kahihiyan Ina, lumagok ng rat killer; itay, nagbigti

ISANG INA ang lumagok ng rat killer dahil sa matinding pagseselos habang nagbigti naman ang isang ama dahil ikinahihiya nito ang anak na magnanakaw sa magkahiwalay na istorya sa Bukidnon at Capiz.

Unang naitala ng Philippine National Police (PNP) ang paglagok ng lason sa daga ng biktimang si Josephine, 33-anyos, residente ng Brgy. Talakag, Bukidnon.

Ayon kay Ronaldo, mister ng biktima, natagpuan nilang bumubula ang bibig ng ginang at sa tabi nito ang botelya ng panlason sa daga dakong 5:55 ng hapon sa kanilang bahay.

Agad isinugod sa Northern Mindanao Medical Center si Josephine subalit makaraan ang sampung minuto ay nasawi ito dahil pumalya na ang pagtakbo ng vital organs nito.

Pinaniniwalaang selos ang

nagbunsod sa biktima na wakasan ang buhay lalo na’t madalas nitong makitang may kausap na ibang babae ang mister.

Samantala, nagbigti si Julian Billeza, 53 anyos, tambay, dahil hindi matanggap na nakulong ang kanyang 15-anyos na anak dahil dalawang beses itong nahuling nagnakaw.

Ayon sa anak nitong 14-anyos na dalagita, hiyang-hiya ang kanyang ama dahil nagnakaw ang kanyang kapatid at walang magawa ang ama dahil nawalan ng trabaho.

Sinisi rin umano ni Billeza ang sarili na kung hindi nagkasakit ay patuloy na magtatrabaho at hindi sana magnanakaw ang anak.

Nasawi ang mister makaraang bigtihin ng lubid ang sarili.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.