Dahil sa selos at away mag-asawa Kelot, Sinunog ang Sariling Bahay

NAHAHARAP SA kasong arson ang isang lalaki ma-tapos nitong sunugin ang kanilang bahay sa Brgy. Sta. Maria, Buguey sa Cagayan.

Base sa report na nakalap ng mga awtoridad, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek na si Aries Cabe, 51-anyos at misis na si Vangie dahil sa selos.

Napag-alaman na pinaghihinalaan ng salarin ang asawa na mayroong ibang karelasyon na siyang ugat ng kanilang pag-aaway.

Humupa lamang umano ang pagtatalo ng mag-asawa nang tumulong ang mga kapit-bahay lalo’t nasugatan na ang kanilang anak sa pag-awat dahil sa kutsilyong hawak ng suspek.

Pero makalipas ang ilang sandali pagkaalis ng suspek ay muli itong bumalik at pinagdiskitahan ang kanilang bahay, kung saan sinabuyan niya ito ng krudo at saka sinindihan gamit ang lighter.

Nagtulung-tulong ang mga kapit-bahay na apulahin ang apoy kung kaya’t ilang bahagi lamang ng bahay ang natupok.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP-Buguey ang nahuling suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.