Dahil sa sakit ng tiyan Lolo, nagbigti

MINABUTI NA LAMANG ng isang 85-anyos na lolo na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti makaraang makaramdam ng labis na pananakit sa tiyan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Natagpuang wala nang buhay sa kanyang silid ang biktimang si Restituto Banigoos y Fable, 85, tubong-Samar, ng Block 11 Lot 6 Ilang-Ilang Street, Bgy. 173, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid sa naturang lugar na nakabigti gamit ang nylon cord.

Ayon sa anak ng biktima na si Maria Lourdes Banigoos, nasa hustong gulang, dumadaing ang kanyang ama sa sobrang sakit ng tiyan, dahil dito agad niya itong dinala sa Bernardino General Hospital at ipinakonsulta.

Pag-uwi ng kanilang bahay ay nagbitaw ng salita ang kanyang ama (biktima), “Gusto ko nang magpahinga.”

At bago matulog ang isang anak ng biktima na si Reynaldo Banigoos, 53, sinilip nito ang ama sa kanyang tulugan at dito bumulaga sa kanyang harapan na nakabigti ang ama at wala nang buhay.

Dahil dito, agad nilang ipinaalam sa mga awtoridad ang nasabing insidente.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang alamin kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.