Dahil sa sakit na Cancer Manager ng NFA, nagbaril sa sarili

MALOLOS CITY – DAHIL umano sa dami ng kumplikasyon sa sakit na Canser,isang lalaki  ang umano’y nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo kamakalawa ng u-maga sa Capitol View, Brgy. Bulihan sa lungsod na ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., PNP Provincial Director, kinilala ang nasawing biktima na si Edelino Alejandro Y Abesamis, 60 anyos, empleyado ng National Food Authority sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P02 Seno, dakong alas-8 ng umaga nang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril sa loob ng mala-palasyong ta-hanan ng biktima.

Nabatid na hawak pa umano ng biktima ang isang cal. 9MM CZ75 na baril nang datnan ito ng kanyang asawa sa loob ng kanilang kwarto. Ayon naman sa maybahay ng biktima, una nang na-bypass ang kanyang mister, bukod pa aniya rito ang pagkakasakit nito ng Cancer sa dila. Nakatakda

sanang magpa-check-up nitong Sabado, dahil naman sa pagkakadiskubre na may sakit itong Prostate Cancer.

May teorya ang mga awtoridad na posibleng hindi nakayanan ng biktima ang labis na pag-iisip sa mga sakit nito, kung kaya nagawa umano nitong wakasan ang sarili sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Samantala upang matiyak na walang foul play sa pangyayari, isa-isang sumailalim sa paraffin test ng SOCO-Bulacan ang mga kasambahay, karpintero,hardinero, at maging ang asawa nito.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dahil sa sakit na Cancer Manager ng NFA, nagbaril sa sarili

  1. Pingback: Dahil sa sakit na Cancer Manager ng NFA, nagbaril sa sarili - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.