Dahil sa sakit na Alzheimer’s
Hapon, Nagtangkang Magpakamatay

ISANG JAPANESE national ang natagpuang buhay at may saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte City, Bulacan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-

12:50 ng hapon nang matagpuan ng isang residente ang biktima sa Araneta Compound ng nabanggit na barangay.

Kinilala ang biktima na si Honiko Yoshio, 62 anyos, binata, at panasamantalang nanunuluyan sa Pasay City.

Ayon kay Supt. Raniel Valones, SJDM City police chief, agad na dinala ang biktima sa District Hospital para agad na malapatan ng lunas.

Sa tulong ng isang interpreter na si June Paloma, napag-alaman na ang biktima ay dumaranas ng karamdamang Alzheimer’s disease.

Nabatid na nitong  Enero 22, lumabas ang biktima kasama ang isang Pinoy na kaibigan na kumain sa isang restaurant sa naba-ngit na siyudad.

Habang kumakain umano ang dalawa, kinuha umano ng biktima ang kitchen knife sa restaurant at siyang ginamait sa pagsaksak sa sarili.

Ayaw namang maki-pagtulungan ng biktima sa imbestigasyon kung kaya’t  agad na ipinaalam nila ang nabanggit na insidente sa Japanese Embassy.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.