Dahil sa problema sa pamilya Karpintero, nagbaril sa bibig, kritikal

NAKIKIPAGLABAN NGAYON KAY kamatayan ang isang 31-anyos na karpintero makaraang magbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay, dahil umano sa problemang pampamilya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nasa comatose na kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay si Arman Nodalo, may-asawa at residente ng Leongson St., Brgy. San Roque ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ni PO1 Allan Bangyan, may hawak ng kaso, dakong alas-10:45 ng gabi nang magbaril sa sarili ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Nabatid na bago umano gawin ng biktima ang tangkang pagpapakamatay ay nakipag-inuman ito sa isang kapitbahay na menor de edad na ayaw ipabanggit ang kanyang pangalan sa loob ng bahay ng una.

Nang makaramdam ng pagkahilo ang kainuman ng biktima ay nagpasiya na itong umalis, subalit hindi pa man nakalalayo ang kainuman ay bigla umanong umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.

Nang balikan ng kainuman si Nodalo ay agaw-buhay na ito, kung saan ay agarang dinala sa nasabing pagamutan at ito ngayon ay nakaratay sa Intensive Care Unit.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na si Nodalo ay nagbaril sa kanyang bibig gamit ang isang kalibre .38 baril dahil umano sa problema sa kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang Navotas Police kung sadyang nagbaril ang biktima o may naganap na foul play.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.