Dahil sa Problema sa Pamilya; CVO, Nagpatiwakal

PATAY ANG isang miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) sa Brgy. Boulevard, Molo, Iloilo City matapos itong magbigti. Kinilala ang biktimang si Susimo Diaz.

Ayon kay PO3 Henry Envoltorio, imbestigador ng Molo Police Station, lasing na umuwi umano ang biktima sa kanilang bahay at nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng kanyang asawa.

Kinabukasan ay hindi na ito lumabas sa kanyang silid na ipinagtaka naman ng mga anak ng biktima.

Sapilitan nilang binuksan ang pinto at natagpuan na lamang si Diaz na may sugat sa ulo, may nakataling nylon sa leeg at wala nang buhay.

Batay sa ulat ng mga kinauukulan, nagbigti ang biktima ngunit maaring naputol ang itinali nitong nylon sa kanyang leeg kaya’t bumagsak ito at nagkaroon ng sugat sa ulo.

Nakasaad naman sa suicide note ng biktima ang mga problema nito sa pamilya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.