Dahil Sa Problema Sa Pamilya; Ama, Patay Sa Bigti

PATAY ANG isang ama sa bayan ng Alcala, Pangasinan matapos na ito ay magbigti sa sarili. Nakilala ang nagpatiwakal na biktima na si Romel Perez, 40, residente ng Brgy. Kisikis sa naturang bayan.  Ayon sa mga kinauukulan, problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapakamatay ng nasabing biktima. Nagpunta umano si Perez sa kubo sa likod ng bahay nila upang magpakain ng mga aso, ngunit doon na ito natagpuan ng kanyang anak na nakabigti.

Lumalabas rin sa report na bago pa maganap ang insidente ay uminom pa ng alak ang biktima. Samantala, inaalam pa rin ng pulisya kung may foul play sa naturang pagpapatiwakal ni Perez.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.