Dahil sa Problema sa Pag-ibig; Psychologist Professor, Nag-Suicide

PATAY ANG isang kilalang psychologist professor matapos magbaril sa sarili sa loob ng kanyang silid sa 3rd Street, Sunvalley Subdivision, Barangay Calamba, Cebu City kamakailan.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Dr. Nelson Aldrich Esguera, 36, may dalawang anak ngunit annulled na sa kanyang asawa at nagtuturo sa isang unibersidad sa siyudad.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng homicide section ng Cebu City Police Office, sinasabing may malaking suliranin sa lovelife ang doktor kung saan nag-iwan pa ito ng six pages na computerized suicide note at nakasulat ang kanyang mga hinanakit sa buhay at “love problem”.

Maliban sa suicide note, nakuha rin ng mga awtoridad ang 9mm glock pistol at isang empty shell.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng hindi nakayanan ng psychologist ang kanyang problema sa pag-ibig kaya nagbaril ito sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Samantala, isinailalim na sa autopsiya ang labi ng biktima habang patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat  ng pulisya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.