Dahil sa pork barrel issue sa ahensya
DOST-TRC, may bagong OIC; SEI-DOST head, nagretiro na

NAKA-LEAVE ANG kasalukuyang Director General ng Technology Resource Center ng Department of Science and Technology (TRC-DOST) dahilan sa isyung sangkot ang kanyang ahensya kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam, kaya minarapat na magkaroon ito ng pansamantalang mamumuno sa kanyang pagliban.

Sa naging panayam ng Pinoy Parazzi kay Science and Technology Information Institute (STII-DOST) Director Asec. Raymund Liboro, kasabay ng Budget Hearing ng DOST sa Kongreso kamakalawa, siya umano ang pansamantalang kapalit ni Director General Dennis Cunanan.

Ayon kay Liboro, ‘di dapat maapektuhan ang operasyon ng nasabing sangay ng kagawaran kaya minarapat ng pamunuan na maglagay ng pansamantalang mamumuno sa ahensya habang iniimbestigahan ang isyung kinasasangkutan nito ng kinaukulan.

Samantala, bunsod ng nakaraang krisis sa Zamboanga at bunga nito ay pagkakahinto ng pananadalian ng mga pagsusulit sa mga iskolar ng kagawaran sa nasabing bahagi ng bansa, nalulungkot ang mga kawani ng Science and Education Institute (SEI-DOST) dahil nagretiro na ang kanilang Director.

Isang masipag at masigasig na pinuno ng nasabing bahagi ng kagawaran ng agham si Dr. Filma Brawner na matagal ring nagsilbi sa SEI, kung saan kanyang pinangunahan ang maraming programa at proyektong

magsusulong ng mga pagbabago sa science education.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.