Dahil sa plagiarism Sen. Sotto, pinag-iisyu ng apology ng anak ni ex-US Sen. Kennedy

 

MISMONG ANAK ng yumaong US Senator Robert F. Kennedy ang nagkumpirma na plagiarism ang ginawa ni Phil. Senator Vicente “Tito” Sottor III, sa pagkopya ng speech ng dating US senator para gamitin sa kanyang sariling talumpati laban sa Reproductive Health (RH) Bill.

Tinagalog umano ni Sotto ang 1966 Day of Affirmation Speech ni dating US Sen. Kennedy, kung saan malinaw itong plagiarism, pahayag ni Kerry Kennedy, pangulo ng Robert F. Kennedy Center for Justice and Human Rights, sa kanyang sulat.

Dagdag pa ni Kerry, hindi umano humingi ng pahintulot ang sinuman upang gamitin ang talumpating ito, na isa sa mga pinakasikat sa buong mundo. Nabanggit din niya ang iba pang plagiarism na ginawa ni Sen. Sotto sa iba pang US blogger at writer.

“This is a clear case of plagiarism, and it is my understanding that Senator Sotto has committed similar acts of plagiarism against a series of American writers and speakers. I urge that he apologize for his unethical, unsanctioned theft of Robert Kennedy’s intellectual property and the intellectual property of those whose work he has plagiarized,” ayon pa kay Kerry.

Taliwas din umano ang paggamit ni Sotto sa talumpati dahil sinusuportahan ni Sen. Kennedy ang karapatang mamili kaugnay sa paggamit ng contraception. Nais ng batang Kennedy na mabigay ng apology si Sotto dahil dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.