Dahil sa Pipi at Bingi: Parak, Sugatan sa Kapwa Parak

NAGPAPAGALING NA sa pagamutan ang isang pulis makaraang mabaril ng kapwa pulis habang nakikipag-inuman sa isang pipi at bingi.

Ang nasabing  biktima ay kinilalang si PO1 Jessie James Manga ng Brgy. Tomolin, Ligao City.

Lumalabas sa pagsisiyasat, napag-alaman na nakikipag-inuman si Manga sa kanyang kapwa pulis na si PO1 Juan Alfonso Porcalla at isang deaf mute.

Habang nasa kalagitnaan ng inuman, biglang nag-init ang ulo ni Porcalla sa kainumang pipi.

Agad namang umawat ang kasama nitong si Manga hawak ang 9MM Black Widow revolver.

Subalit sa halip na mapatigil ay nakalabit nito ang baril dahilan para magtamo ito ng tama sa kanyang kanang kamay.

Samantala, hawak na nang Ligao City Police Station ang kasamahang parak para sa pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.