Dahil sa Pinasabog na Bomba ng PNP: Lola, Inatake sa Puso, Patay

BINEBERIPIKA NG pulis-ya ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng isang 89-anyos na lola matapos ang ginawang disposal ng mga pampasabog ng mga kinauukulan malapit sa bahay nito sa Legazpi City.

Una rito, bandang alas-11:00 ng umaga nang magsagawa ang tropa ng 5th Explosive and Ordnance Disposal Team katuwang ang mga miyembro ng Sto. Domingo Municipal Police Station na disposal o pagpapasabog ng mga unexploded explosive ordnance (UXO), military explosive ordnance (MEO) at iba pang klase ng ammunitions malapit sa Sarong Bangui Firing Range sa Brgy. Bagong San Roque, Sto. Domingo.

Subalit matapos ang isinagawang detonation, dahil umano sa lakas ng pagsabog, nagulat ang biktimang si Ines Jamolin y Balane na nakatira may 100 metro lamang ang layo sa naturang  firing range.

Dito na umano inatake sa puso ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Lumalabas sa reklamo ng apo nitong si Marlon Jamolin y Cordero sinabi nito na hindi man lamang sila naabisuhan kaugnay nang gagawing pagpapasabog.

Samantala, nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga awtoridad kaugnay ng nasabing  pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.