Dahil sa pera Bading na kagawad, kinatay ng papa

SAN JOSE DEL Monte City – Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang tahanan ang isang lalaki, na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan sa Brgy. Kaypian kamakalawa ng ma-daling-araw.

Sa ulat  na ipinadala ni P/Supt. Rodolfo Hernandez kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang biktima na si Rodolfo Tipace Y Ramirez, 45 anyos, 1st Barangay Konsehal at Federation President ng Barangay Health Workers (BHW), ng Blk-5 lot-7, Carrisa 4-A, Brgy. Kaypian, samantalang ang suspek naman na mabilis na tumakas ay na-kilalang si Jefferson De Guzman Y Mocdano , 27 anyos, umano’y boyfriend ng biktima, at residente ng Ipo Road, Brgy. Minuyan Proper sa nabanggit na siyudad.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaslang sa biktima, kung saan nagtamo ito ng 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na bago ang insidente, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa tungkol sa pera, kung saan humihingi umano ng panggastos ang binata, subalit hindi ito pinagbigyan ng biktima.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang im-

bestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa kaso ng pagpatay sa biktima. Naglunsad na rin ng manhunt operation ang mga pulis laban sa tumakas na suspek. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dahil sa pera Bading na kagawad, kinatay ng papa

  1. Pingback: Dahil sa pera Bading na kagawad, kinatay ng papa - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.