Dahil sa ‘pangangamote’
Bahay ni PNoy, sinugod ng mga magsasaka

NAGPROTESTA ANG mahigit 50 magsasaka sa harapan ng bahay ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Times Street, Barangay West Triangle, Quezon City kamakailan.

Kinondena ng grupong Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) ang anila’y pa-ngangamote ng punong ehekutibo sa pamamahagi ng lupa at pagsupil sa korapsyon.

Samantala, kabilang sa kanilang programa ang pagkain ng nilagang kamote na simbolo anila ng pangangamote ni Pangulong Aquino sa pagresolba ng mga pangunahing problema sa bansa gaya ng korapsyon, kahirapan at krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.