Dahil sa pang-aabuso
Sen. Koko Pimentel, Kakasuhan ng Misis

KAKASUHAN NG asa-wang si Jewel Lobaton si Senador Koko Pimentel dahil sa umano’y pang-aabuso.

Sinabi ng dating misis at abogado nitong si Salvador Panelo na sasampahan nila ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang mambabatas.

Psychological, emotional abuse at kakulangan ng financial support sa mga bata ang basehan ni Lobaton sa kasong ihahain anumang araw simula ngayon.

Ayon kay Panelo, walang physical abuse sa nasabing kaso.

Pinili ni Lobaton ang induction niya bilang bagong pangulo ng Inner Wheel Club of Manila para ihayag ang kanyang legal na hakbang laban kay Pimentel.

Kailangan aniyang gawin ito para sa katahimikan ng kanyang loob at para maka-move on na siya.

Inihayag din ni Lobaton na women empowerment ang isusulong niyang adbokasiya sa kanyang termino.

Maaalala na Bb. Pilipinas Universe noong 1998 si Lobaton. Nakipaghiwalay na siya sa senador noong 2011 at naghain ng church annulment noong isang taon.

Nanawagan din naman si Lobaton sa mga kababaihang inaabuso na walang lakas o koneksyon na ihayag ang kanilang sitwasyon.

Itinanggi na rin nito na umutang siya ng P10 milyon kay Janet Naploes mula sa pork barrel ni Sen. Pimentel.

Handa naman ang mambabatas na harapin ang kaso ni Lobaton pero tumanggi munang sagutin ang mga alegasyon.

Samantala, noong panahon ng halalan, una nang itinanggi ni Lobaton na siya ay isang battered wife.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.