Dahil sa pandesal Tiyahin, tinarakan ng pamangkin

KRITIKAL ANG ISANG tiyahin matapos pagsasaksakin ng pamangkin na hindi nabigyan ng pang-almusal sa Navotas kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rowena Bautista, nasa hustong gulang ng Luz Martirez St., San Jose ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang pamangkin ng biktima na si Rafael Malaca, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-9 ng umaga, nanghihingi ng pang-almusal ang suspek subalit hindi nabigyan ng biktima na ikinagalit ni Malaca.

Upang hindi na humaba ang usapan ay lumabas ng bahay ang biktima at umupo sa kalapit na tindahan subalit sinundan ito ng suspek at pinagsasaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.      (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.