Dahil sa pananabotahe Utol, Kinasuhan ni Kuya sa Piskalya

PORMAL NANG nagsampa ng kaukulang habla sa Quezon City Prosecutor’s Office ang may-ari ng International Progress Inc. Recruitment & Placement Agency na si Mrs. Fe S. Cadavona, dahil sa paglabag nito sa Article 318 ng Revised Penal Code at Article 290-292 ng RPC at Economic Sabotage.

Ito ay makaraang madiskubre ng presidente ng nasabing placement agency na si Engr. Ernesto Salting ng Unit-1, Landslide Arcade Bldg., # 86 Timog Ave., Quezon City ang ginawa ng nakatatandang kapatid ng akusado.

Base sa 3-pahinang reklamo ni Engr. Salting, pinagkatiwalaan umano niya ang kanyang nakababatang kapatid, kung saan kabilang pa ito sa stockholder ng naturang kumpanya subalit sinabotahe diumano ng akusado ang kumpanya ng IPI sa pamamagitan ng pagpapabaya sa kanyang tungkulin at hindi pagbabayad ng mga permit, na siyang dapat ginagawa, kung saan malinaw na paglabag sa batas ng POEA na naging dahilan ng pagkansela sa lisensya ng nabanggit na placement agency.

Bukod dito, nadiskubre rin na naningil ng malaking halaga ng pera si Cadavona sa mga aplikante kahit wala pang tiyak na trabaho o walang job order sa ibang bansa na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

Nabatid na labis ang pagkadismaya ng may-ari ng madiskubre nito na nagtayo rin ng sariling placement agency si Cadavona na tinawag na JAO International Manpower Services, kung saan lahat umano ng transaksyon sa abroad ng IPI ay palihim nitong dinadala sa kanyang agency gayong aktibo pa itong kasapi ng korporasyon ng IPI na halos 26 na taong nagbibigay ng trabaho sa iba’t ibang bansa.

Bunsod nito, nahaharap sa kasong sibil at administratibo si Cadavona, kung saan malaki rin ang posibilidad na madawit din ang JAO International Manpower Sevices dahil sa pagamit nito sa mga aplikante ng IPI.

Sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi kay Engr. Salting, pakiramdan niya ay nag-alaga siya ng ahas sa kanyang kumpanya. Kasabay nito, humihingi naman siya ng paumanhin sa publiko na naging biktima ng kanyang kapatid, kung saan pursigido siyang kasuhan ang nagkasala upang hindi na ito pamarisan ng iba.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.