Dahil sa pambubugbog Kuya, buking na ginawang sex slave ang kapatid

BUKING ANG isang kuya na ginawang sex slave hanggang sa maanakan ang nakababatang kapatid na babae makaraang ireklamo ng huli ng pananakit ang una sa Caloocan City kamakawa ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong si Rommel Venezuela, 32, ng Bagong Barrio East ng lungsod.

Sa ulat, alas-8 ng gabi nang ireklamo ng pambubugbog ng biktimang si Alexandra, 27, ang kanyang kuya sa loob ng kanilang bahay.

Kinuha ng mga barangay tanod ang suspek at dinala sa presinto hanggang sa magsalita ang panganay na anak na babae ng biktima na edad 5 na madalas saktan ng suspek ang kanyang ina bago pinapatungan.

Dahil dito, nagawang magtapat ng biktima at si-nabing limang taon siyang naging parausan ng kuya hanggang sa magkaanak ng batang lalaki na ngayon ay edad 3.

Nabatid pa na may dating asawa ang biktima na tatay ng kanyang panganay subalit binawi ng suspek at inuwi sa kanilang bahay sa nasabing lugar.     (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.