Dahil sa pambu-bully ng mga kaklase
High School Student, Binoga ang Sarili

NAGBARIL SA sarili ang isang 2nd year high school student sa Madonna Homes Subdivision, Brgy. Alangilan, Batangas City.

Patay na nang matagpuan ng kanyang mga magulang ang 14-anyos na biktima sa loob ng silid nito.

Gamit ang kalibre .45 baril, nagbaril sa kanang sentido si Lee Young Gunay matapos umanong makaranas ng pambu-bully sa pinapasukang Saint Bridget College.

Samantala, naniniwala naman ang ama ng biktima na si Willy Gunay na posibleng ang pagbagsak ng kanyang anak sa Math ang dahilan kaya nagkaroon ito ng matinding depresyon.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung saan nakuha at kung kanino ang baril na ginamit ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.