Dahil sa pamboboso; Ruso at Bumbay, muntik magtagaan

MUNTIK NANG magkatagaan sa isa’t isa ang isang Russian at Indian nang magharap sa San Pedro Police Station sa Davao City.

Ito ay matapos mapag-alaman ng 20-anyos na Indian, nakatira sa isang condominium unit sa Bolton Extension, na binobosohan siya at ang kanyang Pinay na girlfriend ng Russian na si Andreas Trediakov, 33-anyos.

Napag-alaman na bandang alas-3:30 ng mada-ling-araw, kinatok ni PO3 Clapis ang kuwarto ng Russian matapos maiulat na namboso at kunan pa ng video ang Indian at ang dyowa nito habang  mainit na nagtatalik.

Nadakip ang banyaga dahil sa tulong ng isang Ricardo Salvador, 23-anyos, security guard ng naturang condo unit.

Nabatid na ang nire-rentahang silid ng Indian ay isang studio type at kasama nito ang kasinta-hang Pinay.

Base sa ulat, nakabukas ang mga ilaw sa kuwarto ng Bumbay na naging daan para makita lahat ni Trediako ang ginagawang pagtatalik ng dalawa.

Samantala, aminado naman ang Ruso na kinunan niya ng video fooftage ang Indian at ang girlfriend nito dahil talagang mahilig siyang manood ng mga malalaswang panoorin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.