Dahil sa pambobomba Mga Pinoy sa US, Takot Nang lumabas

KAHIT NADAKIP na ng mga kinauukulan ang pangalawang suspek sa Boston Marathon bombing, nananatiling takot ang mga Pilipinong nasa Estados Unidos sa kanilang seguridad lalo na sa pagdalo sa mga malalaking event.

Ayon sa isang dating residente ng Boston at kasaluku-yang naninirahan sa Minnesota, hindi na umano sila kumportable na lumabas pa ng bahay dahil sa takot na posibleng may mangyayari na namang pambobomba.

Maging sa pagpunta sa mga mall na karaniwan na nilang ginagawa ay nagiging alerto na rin sila at inaalam kaagad ang mga exit points na maaring daanan sakaling may mangyaring emerhensya.

Samantala, inilarawan rin nito na tensyonado ang mga nagdaang araw habang pinaghahanap ng mga kapulisan ang salarin sa pambobomba kung saan hindi na sila nagbitiw sa pagtutok sa balita.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.