Dahil sa pambabasted sa pangulo Liz Uy, ayaw nang pag-usapan si P-Noy!

SA PRESSCON ng Viva, nakausap namin si Liz Uy na pumirma ng tatlong taong kontrata sa nasabing kumpanya. Ayon kay Liz, bukod sa pagiging stylist ay nakatakda siyang gumawa ng mga commercial at posibleng may isang project para sa telebisyon at pelikula.

Si Liz Uy ay ang dating ka-sintahan ni John Lloyd Cruz na noon ay iwas na iwas sa media, pero ngayon ay loveable na sa movie press.

“Actually, madaldal talaga ako. I love talking, pero siyempre that time na kami pa ni John Lloyd, kailangang protektahan ko siyempre ang work niya at iyon ang dahilan kung bakit iwas talaga akong magpa-interview,” sunud-sunod na sabi ni Liz sa amin.

Ayon kay Liz, after nilang mag-break ni John Lloyd, five years ago, muli na silang nakapagtrabaho ng aktor. “Kinuha akong stylist sa isang ginawa niyang commercial and okay naman dahil magkaibigan kami at hindi naman siya mahirap bihisan. Actually, kung meron mang madaling damitan sa showbiz, siya iyon.”

Pag-amin pa rin ni Liz, sinabi nitong bukod kay John ay sina Vhong Navarro, Raymond Gutierrez at Pangulong Noynoy Aquino ang madaling damitan. “Hindi kasi sila maarte. ‘Pag pinasuot ko ‘yung ganitong damit, sinusuot nila. Then kung ayaw nila, sinasabi nila sa akin kaya walang nagiging problema.”

Speaking of P-Noy, mariing sinabi ni Liz na irespeto na lang daw ang lovelife ng pangulo at hindi na siya dapat pang magbigay-komento hinggil sa ginagawa nitong panliligaw kay Grace Lee.

“No comment ako diyan dahil malaki ang respeto ko sa pangulo. Siguro pag-usapan na lang natin ang maraming bagay sa akin, huwag lang iyan.” Sabi pa ng dalaga na sinundot ng ganitong tanong ng isa sa mga kasama namin sa panulat. “Kaya ba ayaw mong pag-usapan si Pangulo dahil basted siya sa iyo?”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Liz. Kitang-kita sa kanyang mukha ang expression na hindi mo maintindihan. “Huwag na huwag na nating pag-usapan ‘yan. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa akin,” tumatawang-naiilang na pagtatapos ni Liz sa Pinoy Parazzi.

 

“NO VALENTINE’S plans yet. Wala pa po,” pahayag iyon ni Grace Lee pero aminadong nililigawan siya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Grace, na bagong endorser ng Ever Bilena, ordinaryong nilalang si Pangulo sa panliligaw. “Chocolates and roses at nagdi-diner din kami. Ganu’n lang.”

Obvious na masaya ang dalaga sa naging pahayag ng mga kapatid ni P-Noy na boto ang mga ito sa kanya.

“Well kung totoo pong gusto nila ako for Noy, thank you very much po at nakaka-flatter po iyon,” sabi pa nito na nakausap sa amin na sana ay huwag masyadong ma-drag ang pangalan ng pangulo.

“Basta sa ngayon, wala pa pong update sa amin. Pero kung yayain niya ako sa Valentine’s Day, well hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Basta ang masa-sabi ko lang po, salamat po sa inyong lahat.”

Sa kabuuan, sinabi ni Grace na hindi niya ginagamit ang kasikatan ni P-Noy para siya pag-usapan. Nagka-taon lang na kaya siya nagsasalita ay dahil hindi niya maiwasan ang mga kaibigang mediamen, na mundo rin niyang ginagalawan, dahil isa rin siyang TV host/anchor.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

6 thoughts on “Dahil sa pambabasted sa pangulo Liz Uy, ayaw nang pag-usapan si P-Noy!

  1. social climber BITCH…preho lang kaho ni Gretchen…ang pagkakaiba nyo ni Gretchen c Gretchen di na namimili kung bata or matanda!basta may antik pasok ka na sa PUSS ko…SOCIAL CLIMBER BITCH

  2. kala mo kung sinong maganda pwe puro pulbo at mantika lang nkalagay sa mukhang monay na yan///ko di niyo lang alam wasak na wasak na rin ang PUSS sa ibat ibang lalaki nia sa showbiz…LIZ inamo pwe!

  3. bakit mga socialite ngayon, napapadikit lang sa mga artista nagiging jologs na? in fairness naman kay liz, tahimik talaga at no comment regarding kay noynoy unlike kay grace lee na uhaw talaga sa kasikatan. sige lang grace, hindi ka nga naman pinapansin dati pero ngayon, pinapansin ka na, enjoy ur 15minutes of fame dahil pag nagsawa na sayo si noynoy, balik ka sa kangkungan teh!

  4. Ano itong mga pinag-gagagawa ng VIVA at panay hakot ng mga gustong mag artista. hakot ng hakot wala naman sariling network…  Andami ng artista ng ABS AT GMA wala na halos paglagyan yun iba. Kahit walang talent pinag-aartista dahil meron lang kaibigan na artista mag -aartista na rin…. Kung pinangakuan ka ng VIVA na bibigyan ka ng television project saan naman yan wala naman sariling network ang VIVA TSK..TSK…. Wala ka bang ibang trabaho kaya mag -aartista ka na rin? hehehe….. Sa sobrang dami nyo na kailangan na siguro maghigpit ang mga network na yung MGA GUSTONG MAG ARTISTA KAILANGAN MERON 5 TALENT REQUIREMENTS : TALENT SA PAG-ARTE SA PAGSAYAW SA PAGKANTA AT MAGALING SA COMMUNICATION SKILLS AT MERON SPECIAL TALENT para mabawasan ng konti ang mga nakakalat na artista hehhee…

  5. to all friends followers spread this page make it 1 million like if you want god will end POVERTY,WAR,FEMINEN,HUNGER,CRIME,DISIESE,CALAMITY,DISASTER,DEATH check my facebook site Nostra Followers

Leave a Reply

Your email address will not be published.