Dahil sa pagwo-walk-out sa session… VICE-MAYOR ERICE, DIDISIPLINAHIN NG SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

HIHILINGIN NI CALOOCAN City 1st District Councilor Ramon Te sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod na patawan ng karapat-dapat na disiplina si Vice-Mayor Egay Erice dahil sa palagian nitong pag-walk-out sa kanilang session.

Ayon kay Te na tumatayong de-puty majority leader ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan, dapat lamang na mabigyan ng tamang pagdisiplina ang kanilang presiding officer dahil nababalam ang kanilang trabaho sa tuwing magwa-walk-out ito.

Sinabi pa nito, unang nag-walk-out si Erice noong January 28 ng taong kasalukuyan nang magkaroon ng special session ang Sangguniang Panglungsod kung saan ay kinukuwestiyon umano ng vice-mayor ang legality ng ipinatawag na sesyon.

“Ang mga dapat naming gawin sa council ay hindi nagagawa dahil sa pag-walk-out niya (Erice) sa session kaya siguro ay dapat siyang mabigyan ng disciplinary action ng Sanggunian”, paliwanag pa ni Te.

Kabilang sa mga ordinansang nababalam ay ang pagpasa sa Pangtawid Pangpamilya Program na proyekto mismo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III na layuning matulungan ang mga mahihirap na residente ng lungsod.

Bukod dito, lumalampas din umano si Erice sa kanyang tungkulin bilang presiding officer kung saan ay gusto nitong gawin ang mga trabaho na dapat ay ang mga konsehal lamang ang gumagawa.

Hinala pa ni Te, posibleng ang political ambition ng kanilang vice-mayor ang dahilan kung bakit ito gumagawa ng mga aksiyon na ang naaapektuhan ay ang trabaho sa Sangguniang Panglungsod.

“Napaka-aga para mamolitika ang aming vice-mayor, ang napeperwisyo sa kanyang mga maling aksiyon ay ang mga kababayan namin na umaasa sa mga maipapasang ordinansa na makakatulong sa mga taga-Caloocan”, sabi pa ni Te.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod kung maaaring ireklamo sa Department of Interior and Local Government si Erice dahil sa ginagawa nitong pagwa-walk-out sa session. (JUN BRIONES)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.